The end is here .


.

Sunday, April 18, 2010

Chapter 2 Unang Araw

Biglang nagising si Anna na pawis na pawis...bumangon sya para tiyakin na tama ang kanyang kinalalagyan...at tinignan nya ang kanyang mga paligid.

Tama nga sya...asa bahay nya sya...nakita nya ang mga posters sa kanyang dingding na kahoy ng kanyang hina hagaan na mga artista at singer. Malakas ang pag hinga ni Anna...at patuloy sya sa pag iisip

"dyos ko..ano to...panaginip ba yung nangyari o totoo...dyos ko sana nga panaginip lang...teka teka....yung Tv..tama..yung nakita ko sa TV...dapat makita ko ulit.."

Tumayo si Anna sa kama at hinanap ang kanyang inay...

"inay...inay...."

"oh anak..mabuti na ba pakiramdam mo ha?"

"nay...may tanong ako" seryosong seryoso ang mga tingin ni Anna sa kanyang ina

"ano yun anak?"

"nay...kahapon...sa TV...may nakita ba ako o kayo na ibang anyo"

"anak...anak..kala ko magaling ka na?"

'INAY! sagutin nyo ako" pasigaw na tanong ni Anna

"anak..oo..nagulat ka sa TV...at may nakita ka"

"dyos ko...totoo pala yung nakita ko...hindi panaginip"

"anak...bakit?..baka naman nilalagnat ka lang kasi...ayan..manood ka ng TV..."

Tumakbo si Anna...at binuksan ang TV...hinahanap ang kanyang nakita kagabi..ngunit nabigo sya...puros mga cartoons ang palabas tuwing umaga at walang ng balita...at napatingin sya sa upuan kung san nag babasa ang kanyang tatay ng dyaryo..at bigla syang hinimatay sa kanyang nakita...

"anak!..Anna!...Turing...peste...tulungan moko...."

"ano na nangyari dito kay Anna...baka naman nag droga na to?"

"ikaw turing...wala ka talagang alam...lika..balik natin sa kama"

Binuhat nila sa kama si Anna...Umalis na si turing para buksan ang tindahan sa Barter area...samantala naman si Marta..eh nag handa ng makakain...at habang nag luluto si marta ay may nadinig syang boses sa likod nya

"inay"

"aysus anak...binigla moko...okay ka na ba"

"okay na po ako...inay..asan yung dyaryo"

"ano ba yan anak..."

"inay...inay!..makinig kayo...wala akong sakit...pero totoo ang mga nakikita ko"

"anak ano ba nakikita mo! pati ako naguguluhan na" painis na tanong ng ina

"DEMONYO INAY...ayan...narinig nyo...DEMONYO!" nagulat si marta sa sinabi ng anak at parang naawa sya..at niyakap nya ito

"Anak...ano ba to...mag dasal ka kay allah...bakit ganito"

Nag isip si Anna...at nakita nya yung dyaryo sa sahig...at andun pa din ang demonyong nakikita nya na sinasamba ng bilyon bilyon na mga katoliko. Tinanggap na ni Anna ang mga kanyang nakikita....tinibayan nya na ang kanyang loob...at alam nya din..na wala ng makaka intindi sa kanya kung hindi ang kanyang sarile.

"dyos ko..kung ano man to...kakayanin ko...tulungan nyo nalang ako allah sa aking mga gagawin" pabulong na salita ni Anna..

End of Part 1 (Chapter 2)