The end is here .


.

Sunday, April 18, 2010

Chapter 2 Unang Araw

Biglang nagising si Anna na pawis na pawis...bumangon sya para tiyakin na tama ang kanyang kinalalagyan...at tinignan nya ang kanyang mga paligid.

Tama nga sya...asa bahay nya sya...nakita nya ang mga posters sa kanyang dingding na kahoy ng kanyang hina hagaan na mga artista at singer. Malakas ang pag hinga ni Anna...at patuloy sya sa pag iisip

"dyos ko..ano to...panaginip ba yung nangyari o totoo...dyos ko sana nga panaginip lang...teka teka....yung Tv..tama..yung nakita ko sa TV...dapat makita ko ulit.."

Tumayo si Anna sa kama at hinanap ang kanyang inay...

"inay...inay...."

"oh anak..mabuti na ba pakiramdam mo ha?"

"nay...may tanong ako" seryosong seryoso ang mga tingin ni Anna sa kanyang ina

"ano yun anak?"

"nay...kahapon...sa TV...may nakita ba ako o kayo na ibang anyo"

"anak...anak..kala ko magaling ka na?"

'INAY! sagutin nyo ako" pasigaw na tanong ni Anna

"anak..oo..nagulat ka sa TV...at may nakita ka"

"dyos ko...totoo pala yung nakita ko...hindi panaginip"

"anak...bakit?..baka naman nilalagnat ka lang kasi...ayan..manood ka ng TV..."

Tumakbo si Anna...at binuksan ang TV...hinahanap ang kanyang nakita kagabi..ngunit nabigo sya...puros mga cartoons ang palabas tuwing umaga at walang ng balita...at napatingin sya sa upuan kung san nag babasa ang kanyang tatay ng dyaryo..at bigla syang hinimatay sa kanyang nakita...

"anak!..Anna!...Turing...peste...tulungan moko...."

"ano na nangyari dito kay Anna...baka naman nag droga na to?"

"ikaw turing...wala ka talagang alam...lika..balik natin sa kama"

Binuhat nila sa kama si Anna...Umalis na si turing para buksan ang tindahan sa Barter area...samantala naman si Marta..eh nag handa ng makakain...at habang nag luluto si marta ay may nadinig syang boses sa likod nya

"inay"

"aysus anak...binigla moko...okay ka na ba"

"okay na po ako...inay..asan yung dyaryo"

"ano ba yan anak..."

"inay...inay!..makinig kayo...wala akong sakit...pero totoo ang mga nakikita ko"

"anak ano ba nakikita mo! pati ako naguguluhan na" painis na tanong ng ina

"DEMONYO INAY...ayan...narinig nyo...DEMONYO!" nagulat si marta sa sinabi ng anak at parang naawa sya..at niyakap nya ito

"Anak...ano ba to...mag dasal ka kay allah...bakit ganito"

Nag isip si Anna...at nakita nya yung dyaryo sa sahig...at andun pa din ang demonyong nakikita nya na sinasamba ng bilyon bilyon na mga katoliko. Tinanggap na ni Anna ang mga kanyang nakikita....tinibayan nya na ang kanyang loob...at alam nya din..na wala ng makaka intindi sa kanya kung hindi ang kanyang sarile.

"dyos ko..kung ano man to...kakayanin ko...tulungan nyo nalang ako allah sa aking mga gagawin" pabulong na salita ni Anna..

End of Part 1 (Chapter 2)

Thursday, August 13, 2009

Chapter 1 Bagong Taon

Sabik na sabik si Anna tuwing sasapit ang bagong taon. Gustong gusto nya ma panood ang mga paputok at mga fireworks na pina palipad sa isang malaking mall sa Manila. Naka titig lang sya sa itaas hanggang kusa itong nawawala sa langit...hindi nya maipaliwanag ang saya na natatamo nya tuwing nakikita nyang sumasabog ang mga iba't ibang kulay sa langit...ngunit ang hindi nya alam ay...ang langit pala may kinalaman din sa buhay nya..

Si anna ay lumaki sa isang muslim na pamilya..ang nanay at tatay nya ay taga Lanao del Sur. Mahirap sila sa probinsya at puros gulo kaya lumuwas ang nanay at tatay nito para samahan ang kapatid ng uncle nya na si Ali. Medyo naka raos si Ali sa pag titinda ng mga pirated at naka pwesto sa barter ....sa kabilang sulok ng simbahan ng Quiapo.

Nag aaral si Anna sa umaga at nag titinda sa gabi para maka luto ang kanyang ina...at minsan naman ay sumasamba sa mosque ang kanyang tatay. Magaling si Anna sa pag titinda..matalino sya at parating naguguna lalo na sa Mathematics. 15 years old na si Anna ng kanyang una nyang nalaman na isa sya sa ipapatawag.

Na nunood sila ng TV nun nung gabi na pagkatapos ng tinda...usually mga 11 pm na news na ina abot ng tatay nya galing sa tindahan sa Quiapo. Lumabas ang pag inaugurate sa Pope nung araw na yun...hindi sya masyado na-nunood ng tv dahil nag huhugas sya ng pinggan. Isa lang ang TV nila na nasa sala at andun na din ang kusina sa Arlegui.

Nag salita ang tatay nya " may bagong pope na pala"

Napalingon si Anna..at ito ay kanyang ikanigulat...nakita nya ang Pope na may mukang demonyo at sungay...napa sigaw si Anna at nabagsak ang isang plato na hinuhugasan nya...at nabigla ang kanyang magulang

"ayyyyyyyy" sigaw ni Anna

"anak bakit" sabat ng tatay?

"itay, nay..di nyo ba nakikita?"

"ang alin anak??"

"sya"

"sino anak?"

"yan"

"yung Pope?"

"OO"

"bakit?"

"tay...may sungay sya"

"anak...okay ka lang?..mommy..check mo nga kung may lagnat yang bata na yan"

"tay...wala akong sakit...bakit di nyo nakikita?" habang naluluwa na si Anna

"anak wala kaming sungay na nakikita...hindi porket iba religion natin eh..sisiraan natin ang mga katoliko"

"tay...hindi..ayan oh...." namutla si Anna sa takot at biglang tumakbo si Anna sa kwarto nya

"mommy..ikaw na bahala" sabat ng tatay ni anna sa asawa

Sumunod ang nanay ni Anna sa kwarto habang umi iyak ang anak..nilapitan ito at niyakap

"anak..ano ba nangyayari sayo...may sakit ka ba anak?"

"nay..wala...bakit ganun"

"ano anak"

"ako lang nakaka kita...bakit hindi nyo nakita?"

"ang alin anak?"

"yung sungay nya..yung itsura nya...isa syang demonyo"

"anak ano ba..Pope yun..ng mga katoliko..pano sya mag kaka sungay"

"inay...kilala nyo ko...kelan ako nag sinugaling sa inyo"

"sige anak..naniniwala nako sayo...patingin nalang tayo sa doctor bukas"

"inay..wala akong sakit..ano ba kayo"

"anak..eh ano gagawin ko...sige na..wala naman mawawala sayo..kahit sa mata lang "

"bahala na kayo nay"

"sige anak..tulog ka nalang..ako na mag tatapos ng hugas...tulog ka na..siguro napagod ka lang"

"sige nay..dito lang ako"

Iniwan ng ina si Anna...humiga lang si Anna...nag iisip sya...kung ano nangyari..kahit sya mismo ay hindi maintindihan....nag iisip si Anna at kausap sarile..habang naka higa...


"Siguro pagud lang ito...allah..bahala na po kayo sakin...itutulog ko lang ito at bukas ay wala na ito..."

Natulog na si Anna...naka tulog sa kanyang ini isip....

Kinabukasan.